Patuloy ang pagtaas ni Filipina Tennis Star Alex Eala sa kagalingan nito sa naturang sports matapos muling umangat ang kaniyang ranggo sa Women’s Tennis Association (WTA) live rankings.

Ang 20 anyos na Filipina Athlete ay kasalukuyang nasa no. 68 at may 932 points.

Nagsimula ang kaniyang pagtaas sa No.74 hanggang sa previous high no. 69 kasunod ng kaniyang Miami Open semifinal run tatlong buwan na ang nakalilipas.

--Ads--

Maaari pang tumaas si Eala sa susunod na linggong pag-update ng WTA rankings.

Samantala, matatandaang tinalo ni Eala si Jelena Ostapenko ng Latvia sa Eastbourne Open noong nakaraang miyerkules.

Nagtapos ang kanilang paghaharap sa scoring na 0-6, 6-2, 3-2.