Mga kabombo! Isa ka ba sa mga excited na makita ang iyung engagement photoshoot?
Napa “oh no!” na lang kasi ata ang magkasintahan at soon to be married na sina Kim Zaw, 33-anyos at Phil Mui 34-anyos matapos ganapin ang kanila sanang lovely photoshoot sa Park City sa Utah.
Paano ba naman kasi, nawala ng mga ito ang isang singsing sa gitna ng niyebe.
Ayon sa photographer nilang si Sabrina Boehlke, napansin niyang nawawala ang singsing sa daliri ni Zaw habang kinukunan sila ng litrato.
Tila ba challenging pa sa couple dahil inabot ang mga ito ng halos dalawang oras sa paghahanap ng singsing kasama ang kanilang photographer at ilang mga dumaan na tumulong.
Dagdag pa rito, nagtawag na rin sila ng tulong sa mga awtoridad kung saan ay gumamit pa ang mga ito ng metal detector upang makatulong.
Ngunit mas naging memorable pa ito dahil, hindi ang metal detector o kung sinong awtoridad ang nakahanap, kundi- si Mui. Aniya, nakita niya itong kumikislap sa ilalim ng niyebe.
Agad namang iniugnay ito ng mga nitizen sa pangyayari kamakailan sa Cleveland, kung saan kinailangan pa ng mga bumbero upang mabawi ang isang engagement ring na nahulog sa drainage habang may photo shoot sa Cultural Gardens sa University Circle.
Ang nakatutuwang kuwento nina Zaw at Mui ay nagpaalala na kahit sa gitna ng mga hindi inaasahang aberya, ang pagmamahalan at pagtutulungan ang pinakamahalaga.