DAGUPAN CITY- Mas binibigyang pansin ng DOT Region 1 ang promosyon ng turismo sa Pangasinan at Buong Rehiyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Evangeline Marie M. Dadat, Regional Director ng Department of Tourism (DOT) Region I, ibinahagi niya ang mga hakbang ng kanilang tanggapan upang higit pang makilala at mapalago ang turismo sa rehiyon, partikular sa lalawigan ng Pangasinan.

Aniya, isa sa mga epektibong istratehiya sa pagpapakilala ng isang bayan ay ang pag-engganyo sa mga bisita na magsightseeing matapos ang kanilang pangunahing pakay.

--Ads--

Nagsanay na rin ang DOT ng mga tour guides at tourism ambassadors upang samahan ang mga bisita, kabilang ang mga atleta at delegado ng iba’t ibang events.

Matapos ang kanilang laro o aktibidad, binibigyan sila ng pagkakataong maglibot at tuklasin ang mga pwedeng pasyalan.

Sa ngayon ay apat na unit sa DOT Region 1 na tutok sa pagpapalawig ng turismo sa pamamagitan ng mga aktibidad tulad ng travel fairs, expos, at iba pang promotional events.

Aktibo rin silang lumalahok sa mga international expos sa mga bansa tulad ng South Korea, Japan, USA, Canada, at iba pa upang itampok ang ganda ng Rehiyon Uno sa global na merkado.