Dagupan City – Isinulong ng Department of Science and Technology (DOST) Region 1 ang makabagong disaster preparedness sa Ilocos Region matapos ang pagsasanay sa Rapid Earthquake Damage Assessment System (REDAS).

Sa limang araw na aktibidad noong nakaraang linggo, sinanay ang 47 disaster officers upang makagamit ng sistemang kayang magsagawa ng real-time simulation ng pinsala sa lindol at pagtukoy ng mga apektadong imprastraktura.

Sa pamamagitan nito, napapalitan ang tradisyunal na pagtataya ng mas siyentipiko at batay sa datos na pamamaraan, na nakatutulong upang mas mabilis na makapagpadala ng rescue teams at makapagplano ng aksyon ang mga lokal na pamahalaan.

--Ads--

Bukod dito, tinuruan ang mga kalahok kung paano gamitin ang REDAS sa pagbuo ng hazard maps at tamang interpretasyon ng datos upang makagawa ng epektibong desisyon sa oras ng sakuna.

Inaasahang mapapalakas ng programang ito ang kahandaan at koordinasyon ng mga komunidad laban sa mga posibleng lindol.