BOMBO DAGUPAN- Handa na umanong sumuko si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo subalit ikinakatakot lamang ang seguridad nito.
Ayon kay Atty. Stephen David, legal counsel ni Guo, ito umano ang kanilang huling usapan noong Agosto 22.
Aniya, hindi man nila iisa-isahin subalit marami umanong banta sa internal at external security ni Guo dahil maliban sa gobyerno ay marami din umano itong kalaban.
Gayunpaman, umaasa pa rin si David sa pagsuko ni Guo lalo na’t binibigyan din ng seguridad ang kaniyang kapatid na si Shiela Guo, na naunang naaresto noong Agosto 21 kasama si Philippine Offshore Gaming Operato (POGO) representative Cassandra Li Ong.
Samantala, sinabi din ni Atty. David na kaniyang nakausap din si Wesley Guo noong Agosto 31.
Aniya, hindi binanggit ni Wesley ang kaniyang kinaroroonan subalit kinamusta nito ang kalagayan ni Shiela at ang pagpapatuloy ng kaso.