DAGUPAN CITY- Tiniyak ng Department of Tourism Region 1 ang patuloy na pag-usbong ng turismo sa buong Rehiyon dahil sa mgra programa at proyektong kanilang isinasagawa dito.

Batay sa datos ng ahensya nakapagtala sila ng tourist arrival base sa volume ng overnight guest ng nasa 1,540,065 noong 2022, nasa 1,829,108 naman noong 2023 habang ngayong 2024 simula Enero hanggang Mayo ay nasa 280,652.

Kaugnay nito, nasa top most visited place sa Ilocos Region noong 2023 ay ang bayan ng San Juan sa lalawigan ng La Union na may 215,645 turista. Pumangalawa ang Bolinao, Pangasinan na may 222,514 turista. Pangatlo ang Pagudpud sa Ilocos Norte na may 115, 791 turista. Pang-apat ang Dasol sa Pangasinan na may 114, 949 turista at panglima dito ang San Fabian sa Pangasinan na may 103, 522 turista habang nasa pinakamababa naman ang Candon City sa Ilocos Sur na may 12,663 lamang na siyang kanilang nais umanong matutukan para mapaangat ang tourist arrival nito sa rehiyon.

--Ads--

Pinapahalagahan naman ng ahensya ang mga trabaho dito lalo na ang pagsasagawa ng mga trainings upang mas mahasa ang mga ito sa pag-accomodate ng mga bisita lalo na din ang mga tour guide sa bawat tourist destination katuwang ang mga Tourism Police para sa seguridad ng mga darayong turista.

Nagpapatuloy ang mga proyekto ng ahensya sa Rehiyon gaya ng Tourism Road infrastructure Project Prioritization (TRIPP) para sa mga accessible road papunta sa mga tourist destination kung saan may mga completed na at on going pa sa 4 na lalawigan sa bawat distrito nito.

Bukod sa mga ito, prayoridad nila ang pagpapabuti ng ilang mga tourist attraction na nasa 915 ang kabuuang bilang nito kung saan 84 dito ang sa Ilocos Norte, 351 sa Ilocos Sur, 226 sa La Union, at 254 sa Pangasinan.

Binibigyan ng pansin pa ng ahensya ang pagkakaroon ng tinatawag na Cruise Tourism, Birdwatching, Bike Trails, Motorcycle Tourism, Gastronomy Tourism na nauugnay sa mga pagkain at iba pa para mas mapaunlad pa ang Ilocos Region.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Joseph Francisco “Jeff” Ortega ang Regional Director ng Department of Tourism Region 1, na umaangat na ang turismo ng Rehiyon Uno gaya sa ibang rehiyon o probinsya ngunit kailangan parin ng infrastructures Development para ma-enhance o maisaayos pa ang mga proseso o sistema na gagawin lalo na sa pagkakaroon ng mga bisita dito ngunit ang problema lang ay limitado ang pondo ng Pilipinas sa mga ganitong proyekto.

Binigyang diin naman nito ang mga maari pang mabisita sa Rehiyon. Ibinahagi din nito na mayroon din pinagmamalaki na Living National Treasure sa Ilocos Region.

Kinilala si Magdalena Gamayo, 99 ayons, mula sa bayan ng Pinili Ilocos Norte kung saan ito ay naghahabi ng tinatawag na Inabel o ang “Ilocano Woven Cloth”. Siya ay nagawaran ng Gamaba Awardee o Gawad sa Manlilikha ng Bayan Award ng National Commission for the Culture and the Arts.

Aniya na binibigyan nila ng pagkakataon na buhayin muli ang Inabel weaving sa Rehiyon sa pamamagitan nito kung saan noong pandemya ay nagturo sila ng mga kabataan ng panghahabi para sa susunod na henerasyon ay maipasa pa ang kanilang tradisyon at pamana.