Dagupan City – Mga kabombo! Kaya mo bang hindi lumabas ng kwarto sa loob ng isang linggo?

Paano pa kaya ang isang taon? Ito kasi umano ang naging tila New Year’s resolution… pero hardcore version ng isang lalaki.

Ayon sa ulat, February 10, nang magpaalam si Skip Boyce, isang dating construction business owner mula Utah, sa kanyang asawa at anak para ikulong ang sarili sa kwarto for 365 days.

--Ads--

Isang buong taon na walang labasan, walang kapitbahay at walang tsismis.

Lumalabas umano na pagpasok niya sa bedroom, lock agad at sinimulan ang tinatawag niyang “Year of Isolation” project.

Upang mapatunayan ang record, naka-livestream pa ito sa social media platform.

Dito na nadiskubre na hiwalay talaga ang kwarto niya sa buong bahay at kumpleto sa gamit: may sariling CR (may shower at bathtub), improvised gym, closets, at streaming setup.

Ang goal nito, ay para maiwasan aniya ang bisyo, healthy living, at mental health glow-up.

Sa kabila naman nito, marami naman ang nagsasabing delikado raw ang isang taon na walang social interaction.

Sa kabila ng mga warning, desidido pa rin si Skip na tapusin ang challenge hanggang January 10, 2027. Para sa kanya, ito raw ang best decision ng buhay niya.