Sapilitan umanong pumasok ang mga tanke ng Israel sa southern Lebanon.

Sinabi ng UN Interim Force in Lebanon (Unifil) na dalawang tanke ng Israel Defense Forces ang sumira sa main gate ng isang poste sa Ramyah, malapit sa border ng Israel, at pinwersa ang pagpasok upang ipapatay ang kanilang ilaw.

Makalipas ang 2 oras, nakarinig na lamang sila ng malapitang pagpapaputok ng baril hanggang sa may pumasok na usok sa kanilang kampo na nagdulot ng skin irritations at gastrointestinal reactions sa 15 peacekeepers.

--Ads--

Kanilang inilabas ng pahayag na ito matapos himukin ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang pag-layo ng Unifil sa mga lugar na may nagaganap na kaguluhan.