DAGUPAN CITY- Hindi na nahirapan ang Comelec Alcala sa pagpapaalala at pagkumpleto ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ng mga tumakbong kandidato dahil maaga pa lamang ay inayos na nila ang kanilang mga dokumento.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Roberto Pagdanganan, Election Officer III ng COMELEC Alcala, na sa 19 na kandidato sa kanilang lugar, dalawa na lamang ang kailangang mag-ayos ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) upang maging 100% ang compliance.

Aniya, maaga umanong inasikaso ng karamihan sa mga kandidato ang kanilang mga dokumento, kaya naging maayos at mabilis ang proseso.

--Ads--

Hindi na rin nahirapan ang kanilang opisina sa pagpapaalala ng mga kailangang dokumento.

Dagdag pa niya, kasalukuyan na ring pinagahandaan ng kanilang tanggapan ang voter registration para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.