Mga kabombo! lalo na sa mga pokemon fan, natatandaan niyo ba ang Cheetozard?
Nakatanggap ng world record title si Paul Bartlett matapos nitong maibenta ang kaniyang Cheetozard sa Goldin Auctions sa halagang $87,840 o higit P5.2 million.
Nakuha niya ang titulo na “highest price paid for a video game likeness corn snack”.
Ang naturang Cheetozard ay ang isang piraso ng isang chichirya na may hawig sa pokemon character na si Charizard.
Nauna itong nagviral noong 2024.
Inilagay ni Bartlett ang nasabing piraso ng chichirya sa isang custom Pokemon Card at selyado sa isang special translucent box.
Bago ito, nauna nang naibenta ng nasabing auction house ang pinakamahal na pokemon card na naghahalagang $16 million.
Ito ay ang PSA 10 graded Pikachu Illustrator card na naging pagmamay- ari ni Logan Paul.










