Dagupan City – Hindi nagawang mawalis ng Boston Celtics ang Dallas Mavericks matapos matambakan ng 38 points sa Game 4 ng NBA Finals.

Ayon kay Edilberto Abalos, Chief School Governance and Operations Division ng Deped Dagupan, naging kampante ang Boston kung kaya’t kinuha itong pagkakataong ng Dallas upang makuha ang panalo.

Naging maganda rin aniya ang ipinakitang ball rotation ng Dallas kung saan ay nabigyan ng tiyansa na makapaglaro ang mga bench players.

--Ads--

Sa kanilang laro makikitang hindi nagawang malamang ng Boston Celtics mula 1st quarter hanggang 4th quarter, kumpara noong mga nakaraang laro na binawi ng Boston Celtics ang kalamangan mula 2nd half ng laro.

Para sa koponan ng Boston Celtics, nakagawa ng total of 25 points si Jason Tatum at si Jaylen Brown.
Habang sa Dallas Mavericks naman ay nakagawa ng double double score sa Dereck Lively II na may 12 rebounds at 11 points.

Pinangunahan naman ni Luka Doncic na may 29 points ang nasabing koponan at aksunod nito si Kyrie Irving na may 21 points.
Samantala, pinabulaanan naman nito ang ulat na binigay lang ang laro sa Dallas, dahil mula umpisa ay makikita na nais makuha ng Boston ang Game 4.

Dahil dito, 3-1 na ang stand ng NBA Finals at magkakaharap muli ang mga ito sa Game 5.