Naghahanda ang Pamahalaang Bayan ng Binmaley para sa mga aktibidad kaugnay ng turismo at nalalapit na Kapaskuhan, kabilang ang paglalagay ng mga ilaw na maaaring magbigay-saya sa mga residente at bisita.
Ayon kay Mayor Pedro A. Merrera III, nakatuon ngayon ang lokal na pamahalaan sa mga aktibidad sa palakasan, ngunit patuloy na isinasagawa ang iba pang kinakailangang paghahanda sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga gawain sa bawat departamento at barangay.
Sa ilalim ng sistema ng delegasyon, may mga itinalagang mangangasiwa sa bawat gawain upang matiyak na maayos itong naipatutupad.
Regular ding mino-monitor ng alkalde ang mga isinasagawang aktibidad upang matiyak na naaayon ang mga ito sa plano ng bayan.
Bahagi ng paghahanda ang pagpapaganda ng kapaligiran upang maging mas kaaya-aya ang Binmaley habang papalapit ang Pasko at iba pang tourism-related activities.










