Nadaragdagan pa ang bilang ng nasawi sa pagbaha sa Central Europe habang tumataas namam ang bilang ng kaswalidad na naitatala sa Czech Republic, Poland, at Austria.

Nalunod ang isang indibidwal sa bayan ng Bruntal, sa Czech Republic, habang 7 katao ang nananatiling pinaghahanap.

4 na katao naman ang kumpirmadong nasawi sa Poland, subalit inaalam pa ang sanhi ng pagkakasawi ng isang biktima.

--Ads--

At 2 katao na nasa edad na 70 at 80 ang nasawi sa Austria. Kabilang na rin ang isang residente sa bayan ng Höbersdorf na nalunod nang subukan nitong palabasin ang tubig sa loob ng kaniyang apartment.

Bagaman, napanatili na ang kalagayan sa ilang bahaging central Europe subalit, nangangamba pa rin ang iba sa higit pang panganib.

Pinaghahandaan ng Slovakia ang pag-apaw ng lebel ng katubigan sa Danube River na nagdulot ng pagbaha sa isang bayan sa Bratislava.

Dahil dito, pinapangambahan naman ng Hungary ang pagbaha sa susunod pang mga araw.