Dagupan City – Nabawasan ng tinatayang 30% ang dami ng mga sasakyan sa kalsada ng Dagupan, lalo na sa downtown area, dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo at gasolina.
Ito ang inihayag ni POSO Deputy Chief Rexon De Vera sa isang panayam, kung saan binanggit niya na mas maluwag na ngayon ang daloy ng trapiko kumpara sa dati sapagkat karamihan sa mga tao ay nagtitipid ng langis.
Ayon kay De Vera, napansin ng kanilang mga enforcer at nakausap din ang mga motorista at pumapasada na marami na ngayon ang hindi na masyadong lumalabas maliban na lamang sa mga peak hour ng umaga at hapon.
Bagama’t pansamantalang maluwag sa ngayon ang daloy ng trapiko, tiniyak ni De Vera na patuloy pa rin silang natutok sa mga kalsada para bantayan ang sitwasyon at tumulong sa mga mamamayan na may katanungan o pangangailangan.
Bukod dito, Ibinahagi niya na may ginagawang hakbang ang lokal na pamahalaan ng Dagupan para matulungan ang mga drivers gaya ng pagbibigay ng ayuda.
Nitong nakaraang linggo pa lamang aniya, umabot sa 600 jeepney driver at operator ang nakatanggap ng food packs bilang suporta sa kanilang mga pamilya.
Sa usapan naman ng pagtaas ng pamasahe, ipinapaalala ni De Vera na ayon sa direktiba ng gobyerno, hindi muna pinapayagan ang anumang pagtaas ng pamasahe sa kasalukuyan.
Patuloy din nilang binabantayan na walang manloloko o mananamantala sa mga pasahero lalo na ngayong may nararanasang krisis ng lang.










