Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region 1 laban sa pagpositibo sa Red Tide ng mga karagatan ng Anda at Bolinao.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Girly G. Dela Peña, OIC Regional Director ng BFAR Region 1, pinayuhan ang mga LGU at stakeholders na pansamantalang iwasan ang pangingisda at pagkonsumo ng anumang lamang-dagat na nagmula sa mga nasabing bayan.

Ayon sa BFAR, matagal nang naroroon ang red tide toxin sa lugar ngunit tumaas ang toxicity level dahil sa elevated water temperature mula Disyembre hanggang Enero, na nagpapabilis sa paglago ng toxin-producing algae, gayundin sa kalmadong kondisyon ng dagat.

--Ads--

Nilinaw rin ng ahensya na hindi nakakahawa ang red tide sa karatig-dagat, subalit hindi ligtas kainin ang seafoods na nagmula sa mga apektadong lugar.

Patuloy naman ang monitoring ng mga pamilihan at mahigpit na koordinasyon sa mga LGU upang maprotektahan ang mga konsumer.