BOMBO DAGUPAN- Hindi pa umano masyadong tumaas ang betting odds sa Boston sa darating Game 2 ng NBA Finals.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Harold Villarosa Mortel, Bombo International News Correspondent sa Massachusetts, 7 1/2 lamang ang odds sa ngayon ngunit inaasahan pa nilang tataas pa ito sa inaabangang Game 2.

Aniya, sa kasalukuyan ay nasa Celtics ang mataas na pabor para sa susunod na pagkapanalo kaya kinakailangan umano nilang mahigitan pa ang kasalukuyang betting odds.

--Ads--

Malaki kase ang factor ng pagkapanalo ng Boston Celtics sa Game 1 para mapanatili ang momentum.

Saad pa ni Mortel, dumadami pa ang sumasali sa mga ganitong tayaan sa kanilang lugar partikular na sa Massachusetts na kakalegal pa lamang nito.

Karamihan umano sa mga ito ay sumasali sa online betting at ang iba naman ay tumataya sa mga casino.

Ngunit ang pinakakilala aniya ang Bookies gambling kung saan nauso na ito noong hindi pa kilala ang online betting.

Samantala, umaasa si Mortel na magwawagi ang Celtics sa game 2 na may 10 puntos na kalamangan. Para din sakaniya, maiuuwi ng koponan ang kampyeonato sa Game 5.

Kaya magkakaroon umano ng malaking adjustment ang Dallas Mavericks ngayon dahil sa naging kalamangan ng Boston noong Game 1.

Sa darating na Game 2, dapat umanong magkaroon pa ng mas magandang ball rotation ang koponan at hindi lamang si Kyrie Irving at Luka Doncic ang madalas nakakahawak ng bola.

Dagdag pa ni Mortel, dapat tutukan pa lalo ng Dallas ang kanilang 2 main players na sina Doncic at Irving upang magkaroon ng mas magandang depensa. Ang nasabing players kase ang magiging banta sa Boston Celtics para sa kanilang pagkapanalo.