Mga kabombo! Kaya niyo bang tanggihan ang alok ng inyong matalik na kaibigan na maging bridesmaid?
Ito kasi ang nangyari sa isang matalik na magkaibigan sa Bazil!
Kung saan, tumanggi umano ang Brazilian bodybuilder and booty model na si Tiele Azambuja na maging bridesmaid ng kanyang best friend.
Ang mabigat namang rason nito, sinabihan daw umano siya ng kaniyang bride bestie na hindi puwedeng magdala ng sariling food sa wedding reception.
Ito naman umano ang rason ni Tiele dahil nais sana niyang magdala ng sariling healthy menu para sa wedding— dahil siya ay carb-conscious.
Si Tiele din ay isang fitness influencer, kung kaya’t ayaw niyang masira ang whistle-bait figure na kanyang pinaghirapan. At kung maganda man ang kanyang pangangatawan ngayon, resulta iyon ng kanyang pagdidisiplina sa sarili.
Dahil sa pagtanggi ng bride sa idea, kagyat na rin siyang tuluyang tumangging maging bridesmaid.
Simula noon, nagkaroon sila ng matinding tampuhan. Pagtatapat pa niya, nalulungkot din siya dahil nakabili na siya ng damit pang-abay.
Para kay Tiele, kakatwa man ang kanyang dahilan sa pagtangging maging bridesmaid ng BFF, pero hindi aniya option na mag-skip siya ng healthy diet.
Ibinahagi rin ni Tiele na nagkaroon pa sila ng argumento ng kanyang kaibigan. Katwiran umano nito sa kanya, 12 oras lang naman ang itatagal ng seremonya.
At dahil kumakain naman umano si Tiele kada tatlong oras, sinabi sa kanya ng kaibigan na hindi naman siguro makakaapekto sa kanya kung hindi siya magbabaon ng pagkain.