DAGUPAN CITY- Mga Ka-bombo! Mahilig ka ba sa ice cream?
Isa ka rin ba sa mga nag-iiba ang mood tuwing nakaka-kain ng nasabing desert.
Hanggang saan aabot ang iyong cravings para masatisfy lang ito?
Isang 4-anyos na bata kasi sa Wisconsin, USA, ang nigulat ang ina nang dumating ang mga pulis sa kanilang bahay matapos magtawag ng 911 ang anak at humiling na ipahuli siya dahil hindi binigyan ng ice cream.
Sa audio ng tawag, maririnig ang batang umiiyak at nagsasabing, masama ang kaniyang ina.
Tinatanong ng ina ang anak kung bakit, at sumagot ang bata, kailangan daw makulong ang kaniyang ina.
Ayon sa batang nagtatampo, hindi pa raw siya nakakain ng ice cream.
Ang ina, na tinutukso na ang anak, ay ipinaliwanag na may binili silang dalawang ice cream, at akala ng bata ay kinain ito ng kanyang ina.
Nakakatawa man, pinuri pa ng mga pulis ang bata sa pagiging “smart.”
Bago umalis ang mga pulis, hinayaan nilang “posasan” ng bata ang kanyang ina, at nagsabi pa itong, hindi na kailangang makulong ang kaniyang ina.
Kinabukasan, bumalik ang mga pulis na may dalang paboritong ice cream ng bata bilang kabayaran sa insidente.