Pinaigting ng Basista Municipal Police Station ang pagpapatrolya sa iba’t ibang bahagi ng Basista, Pangasinan upang mapalakas ang presensya ng kapulisan at matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Pinangunahan ni PMAJ Dexter A. Tayaba, Chief of Police ng Basista MPS, ang mobile patrolling bilang bahagi ng patuloy na hakbang ng kapulisan upang mapigilan ang mga posibleng kriminal na aktibidad sa kanilang nasasakupan.

Layunin din ng operasyon na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad at matiyak ang agarang pagtugon ng mga pulis sa anumang insidente o pangangailangan ng publiko.

--Ads--

Sa pamamagitan ng mas pinaigting na police visibility, inaasahang mapalalakas ang seguridad ng mga residente at mahihikayat ang pakikipagtulungan ng komunidad sa pagpapanatili ng ligtas at mapayapang kapaligiran.