Dagupan City – Ibinahagi ng 59-year-old actor na si Ariel Rivera kung paano nga ba naging matatag ang kaniyang relasyon ng asawaang si Gelli de Belen.

Aniya, sa loob ng 28 taon nilang pagsasama, tila payapa ang relasyon ng mag-asawa at walang na-link na ibang babae kay Ariel.

Nang tanungin kasi ito kung paano napaglabanan ni Ariel ang mga tukso, lalo’t kung ito na mismo ang lumalapit sa kanya.

--Ads--

Sinabi niya na hindi na raw dapat humantong sa puntong kailangan i-test ang sarili laban sa temptasyon.

Base sa komento ng netizens, mapapansin daw na magkaiba ang personalidad nina Ariel at Gelli.

Sa unang tingin kasi kay Arniel ay mukha siyang tahimik at seryoso, habang si Gelli ay madalas nakikitang madaldal at makuwela onscreen.

Samantala, dahil malapit na silang magdiwang ng 30th anniversary bilang couple, tinanong sila sa isang panayam kung plano ba nilang magkaroon ng big celebration.

Sabi ni Ariel, wala itong pakialam sa mga renewal of vows, dahil hindi naman iyun importante.

Aniya, simple raw ang love language nilang mag-asawa, at hindi kinakailangan ng grand gestures.