DAGUPAN CITY- Maituturing pa rin na impeachable official ang bise presidente kahit pa man naging bahagi ito ng gabinete nang kataka-takang gastusin nito ang confidential funds ng Department of Education (DepEd).

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Joseph Emmanuel Cera, Constitutional Law expert, ang pagiging kalihim ng edukasyon ni Vice President Sara Duterte nang gamitin nito ang confidential funds ay hindi rason upang hindi ito ituring na non-impeachable official.

Aniya, “alter ego” pa rin ng presidente ang bise nito kahit pa man ay kabilang ito sa gabinete, sapagkat inuugnay pa rin ang trabaho bilang ikalawang pangulo.

--Ads--

Kabilang pa rin ito sa pagbabatayan ng isang impeachment, gayun na may pagkakasangkot din ng bribery.

Giit niya, anumang makasisira sa tiwala ng publiko ay sapat para pagbatayan ng impeachment complaint laban sa isang impeachable officer ng konstitusyon.

Binigyan linaw lamang ni Atty. Cera na madedeterminang ‘sufficient in form/substance’ ang isang impeachment complaint kung naging maayos ang endorsement nito.

Samantala, pagpapabilis umano ng pag-usad ng impeachment ang pagbawi ng Tindig Pilipinas sa kanilang inihaing reklamo.

Ani Cera, iisa-isahin pa rin kase ito, kahit pa man iisa lang ang naging batayan ng dalawang reklamo, upang determinahin kung ‘sufficient in form/substance’ ito.