Mga kabombo! Isa ka ba sa naniniwala sa kasal na nagpapatibay ng relasyon?
Paano kung malaman mong tila ba naging hobby na pala ito ng isang Chinese National?
Paano ba naman kasi nagpakasal ito hindi lang isa, kundi- apat na beses.
Ang plot twist, pabata nang pabata ang kaniyang nagiging asawa!
Dagdag pa ang nagpawindang sa balitang pinakasalan ng kinilalang si Liu Liange, 63-anyos ang Ex-girlfriend ng kanyang anak.
Ayon sa ulat, taong 2023 nang magpakasal si Liu sa kaniyang pang-apat na asawa.
Batay sa lumabas na imbistigasyon, noong ipakilala ng anak kay Liu ang girlfriend, sinabi nito sa ama na plano na niya itong pakasalan ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay labis na nabighani ang ama sa kagandahan ng girlfriend ng anak.
Hanggang sa ilang araw matapos niyang ma-meet ang soon-to-be daughter-in-law, sinabihan niya ang anak na makipaghiwalay sa girlfriend at mistulang siniraan pa niya ang nobya ng anak.
Matapos ang anim na buwang hiwalayan ng dalawa, natuklasan na lamang ng anak ni Liu na ang dating girlfriend pala ay magiging stepmother nito.
Dito na dumanas ng aminding depresyon ang anak, at kinailangang maconfine sa hospital.
Sa kabilang banda, tila mapagbiro ang tadhana dahil hindi rin nagtagal ang relasyon ng dalawa matapos na mahatulan si Liu ng kamatayan dahil sa pagtanggap ng suhol na nagkakahalaga ng 121-million-yuan o higit P98o Milyon.