Bumisita at naghatid ng tulong kamakailan sa mga residente sa bayan ng Manaoag si Mayor Jeremy “Ming” Rosario sa mga naapektuhan sa nagdaang pananalasa ng Bagyong Kristine.
Personal niya itong binisita bilang pagtugon sa problemang kinakaharap ngayon ng kanyang nasasakupan bilang ama ng bayan lalo na sa mga kabahayang nalubog sa baha sa ilang barangay.
Bagama’t hindi umano lubhang apektado ang bayan ay may mga mangilan-ngilan namang nalubog sa baha.
Nais nitong tiyakin na hindi sila nag-iisa at nagtutulungan para makabangon mula sa kalamidad.
Sa kanyang pagbisita, naghatid ang alkalde ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng mga pagkain at nakipag-usap din siya sa mga residente upang alamin ang kanilang mga pangangailangan at pangako na tutulungan sila sa pag-ayos ng kanilang mga tahanan at kabuhayan.