Dagupan City – Hindi nakapagtimpi si Alexa Ilacad sa hindi magandang tabas ng dila ng isang basher na sinabihan siyang may hindi magandang bahagi ng kanyang katawan.

Hindi na makita kung saang post ni Alexa galing ang komento ng nasabing body-shamer dahil burado na ang mga komento nito sa kanyang account.

Sagot ni Alexa, dapat ay nag-research muna ang netizen bago nagkomento dahil ang katawan naman ng tao ay may iba’t ibang hugis at laki.

--Ads--

Sabi nito, kahit 2024 na, ang gusto lamang daw ni Alexa ay mga hindi “off” na komento. Dapat daw tumigil na ito sa pag-aartista kung hindi nito kayang sikmurain ang mga kritisismo sa kanya.

Buwelta ni Alexa, ang hindi porke’t artista siya ay puwede na siyang pagsalitaan ng masasakit at masasama. Caption pa ni Alexa, bahagi ng kanyang pag-aartista ang magbigay ng aliw at kasiyahan sa mga tao. Ngunit hindi bahagi nito ang hayaan na lamang ang netizens na pagsalitaan siya ng kung anu-ano.

Noong March 2022, dinepensahan ng ka-love team ni Alexa at dating Pinoy Big Brother (PBB) Kumunity Season 10 housemate na si KD Estrada ang aktres laban sa isang body-shamer din.