Dagupan City – Ipinamalas ng mga magsasaka, mangingisda, at kooperatiba ang kanilang produkto sa Agri-Trade and Tourism Expo sa syudad ng Alaminos kamakailan.

Tampok ang iba’t ibang mga gulay pati na rin mga local delicacies.

Hinikayat ng City Agriculture Office ang mga magsasaka at mangingisda na patuloy na makilahok sa mga ganitong aktibidad bilang suporta sa mga programa ng pamahalaan.

--Ads--

Ipinakita rin ang iba’t ibang cluster ng 39 barangay, kabilang ang bagong livestock cluster, at ang pagtatanim ng tabako bilang karagdagang kabuhayan.

Mataas rin ang produksyon sa fisheries at agrikultura kung saan, 1,393.55 metric tons ay mula sa brackish water aquaculture, 647.60 metric tons mula sa oyster farming, at malawak ang rice production sa 2,308 hektarya ng irrigated at 5,527 hektarya ng rainfed areas.

Pinunto rin ng lokal na pamahalaan ang kanilang suporta sa mga magsasaka, habang hinikayat ang pagpapatupad ng sustainable program at pagbibigay suporta sa carabao-based enterprises.