Arestado ang isang 21-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Lingayen Municipal Police Station dakong alas-3:10 ng madaling araw noong Nobyembre 18, 2026 sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Ang suspek ay walang trabaho, binata at residente ng Lingayen.

Nasakote ang suspek matapos magsagawa ng anti-illegal drug operation ang mga tauhan ng Lingayen MPS na nagresulta sa pagkakabili ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa pamamagitan ng isang poseur-buyer.

--Ads--

Nakumpiska sa operasyon ang isang sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 0.08 gramo at nagkakahalaga ng ₱544 batay sa Standard Drug Price (SDP).

Nakuha rin ang isa pang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 8.2 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱55,760. Kabuuang ₱56,304 ang tinatayang halaga ng mga nakumpiskang ilegal na droga.

Narekober din ang isang tunay na ₱500 bill na ginamit bilang buy-bust money at isang itim na cellular phone. Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Lingayen MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Samantala, inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspek dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.