Tinamaan malapit sa mata si Pope Leo XIV ng isang bagay na pinaniniwalaang rosaryo na inihagis mula sa karamihan habang binabati niya ang mga deboto sa Lima, Peru noong Lunes, Nobyembre 16.

Nangyari ang insidente habang sakay ang Santo Papa sa popemobile patungo sa isang farewell Mass sa isang airbase sa Lima, bilang bahagi ng pagtatapos ng kaniyang 12-araw na pagbisita sa South America.

Makikita sa mga larawan at video na hinawakan ni Pope Leo ang kaniyang mata matapos tamaan ng naturang bagay. Pinaniniwalaang rosaryo ito o mga butil na ginagamit sa pagdarasal at karaniwang ipinababasbas sa Santo Papa.

--Ads--

Gayunman, ipinagpatuloy ni Pope Leo ang kaniyang paglibot at walang palatandaang nagtamo siya ng pinsala. Sa kaniyang homiliya, pinasalamatan niya ang mga mamamayan ng Peru sa mainit na pagtanggap sa kaniya sa anim na araw niyang pagbisita sa bansa na tinawag niyang kaniyang tahanan.