Dagupan City – ‎Mga lokal na trabaho ang pinaka pinipilahan ng mga jobseeker sa tuwing nagsasagawa ng Mega Job Fair ang office of the Senate President Win Gatchalian.
‎
‎Ayon kay Ruby Mae A. Reyes, Constituent Services Officer – Office of the Senate President , Mas maraming aplikante ang pumila at nagpasa ng aplikasyon sa mga booth ng local companies kumpara sa mga alok na trabaho sa abroad.

Marami rin sa mga ito ang agad na natanggap sa mismong araw ng job fair.
‎
‎Bagama’t patok pa rin ang mga overseas job offer, mas mataas ang naging bilang ng on-the-spot hiring sa mga lokal na kumpanya.

Dagdag niya, nagpapakita ito na mas pinipili na ng maraming jobseeker ang trabahong malapit sa pamilya at may pangmatagalang oportunidad.

--Ads--

Mas naging madali rin para sa kanila ang proseso ng aplikasyon dahil hindi na kailangan pang dumaan sa mahabang deployment process.
‎
‎Kabilang sa mga pinaka hinahanap na lokal na posisyon ang mga trabahong may kinalaman sa serbisyo, produksyon, at pang-araw-araw na operasyon ng mga kumpanya.

Maraming aplikante ang naghanap ng trabahong may regular na sahod, benepisyo, at posibilidad na maging permanente. Dahil dito, mas naging aktibo ang mga local employer sa pagtanggap ng mga aplikante.
‎
‎Samantala, patuloy pa rin ang interes sa mga overseas job offer lalo na para sa mga naghahanap ng mas mataas na sahod. Gayunpaman, mas naging prayoridad ng karamihan ang lokal na trabaho dahil sa mas mabilis na proseso at mas mababang gastos sa pag-a-apply.

Inaasahan na magiging batayan ito ng mga susunod na job fair upang mas ituon ang mga alok sa mga trabahong mas kailangan ng mga jobseeker.