Dagupan City – Nag-ikot ang Business Permits and Licensing Office (BPLO) at Sanitary Inspector sa mga iba’t ibang kainan, panaderya at food vendors sa bayan ng San Quintin.
Ang hakbang ay bahagi ng patuloy na kampanya ng lokal na pamahalaan para sa pagpapanatili ng isang malinis, ligtas, at malusog na komunidad.
Sa pamamagitan ng masusing pag-iikot, sinisiguro ng mga awtoridad na sumusunod ang mga negosyante at nagtitinda sa tamang pamantayan ng sanitasyon at food safety.
Pangunahing layunin ng programang ito na mapangalagaan ang kalusugan ng bawat Quintinian laban sa mga sakit na maaaring makuha mula sa marumi o hindi maayos na paghahanda ng pagkain.
Inaasahan namang magpapatuloy ang ganitong monitoring upang mapanatili ang tiwala ng mga mamimili at maisulong ang responsableng pagnenegosyo sa buong bayan.










