Nahaharap ngayon ang Delhi , India ng matinding air pollution.
Base sa naitalang air quality index aabot na ito ng PM2.5 na maaring makabara sa baga.
Maituturing na ito ay nasa ‘very poor’ quality ng hangin na makakaapekto sa ilang milyong residente doon.
--Ads--
Dahil dito ay nagpatupad ang mga otoiridad ng Stage II ng Graded Response Action Plan (GRAP) kung saan kabilang na ipapatupad ay ang malawakang paglilinis ng kalsada, at paglilimita ng paggamit ng mga sasakyan.
Ang nararanasang polusyon ay dumarating ilang araw bago ang Diwali festival isang pinakamalaking festival sa India.
Dahil dito ay inaasahan na mas lalo pang magiging lalala ang polusyon na mararanasan dahil sa inaasahan ang paggamit ng fireworks sa kasiyahan. | Via Bombo Jovino Galang










