Dagupan City – Nagbigay ng public assistance at first aid ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng Calasiao sa ikalawang batch ng pamamahagi ng Social Pension para sa ikaapat na quarter na isinagawa sa Calasiao Sports Complex.

Nag-antabay ang mga kawani ng MDRRMC upang matiyak ang kaligtasan ng mga senior citizen at makapagbigay ng agarang paunang lunas sakaling magkaroon ng anumang medikal na pangangailangan habang isinasagawa ang pamamahagi.

Mahalaga ang presensya ng mga responder sa ganitong aktibidad, lalo na’t mga nakatatanda ang pangunahing dumadalo at benepisyaryo ng programa na nangangailangan ng angkop na tulong at pag-iingat.

--Ads--

Sa pamamagitan nito, nakatutulong ang MDRRMC Calasiao sa pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa mga aktibidad ng pamahalaan, partikular sa mga programang dinadaluhan ng mga senior citizen.