Mayroon nang naitalaga ang House prosecution panel na mga prosecutor na hahawak sa cross-examination ng mga testigong ihaharap ng depensa sa pagpapatuloy ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Magsisimula ito sa pagsalang ng defense team ni VP Duterte sa darating na Nobyembre 9, 2026.

Ayon kay dating Rep. Ace Barbers, spokesperson ng panel, maaaring manggaling sa House prosecution team o sa private prosecutors ang mga itatalagang magtatanong, depende sa kung sino ang ihaharap na mga testigo.

--Ads--

Pero hindi na muna nito pinangalanan ang mga kakatawan sa prosekusyon para maiwasan ang kalituhan.

Basta ang mahalaga aniya ay may mga titindig para sa kanilang panig at hindi na kailangang maghanap sa oras na magpatuloy na ang trial.