Lumalabas na nangunguna ang Blue Party na binubuo ng mga democratics sa United States, ayon sa paunang resulta ng midterm elections.

Ayon sa pahayag kay Marissa Pascual, Bombo International News Correspondent sa USA, umabot na sa 62 porsyento ang nakuhang boto sa panig ng Blue Party.

Bagama’t may ilang lugar na nakararanas ng matinding trapiko dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga botante sa mga polling station, tiniyak naman ni Pascual na nananatiling maayos ang pangkalahatang daloy ng halalan.

--Ads--

Binigyang-diin din ni Pascual na mahalaga ang magiging resulta ng halalan, dahil mahihirpan umano si US President Donald Trump na maisulong ang kaniyang mga polisiya at programa oras na makuha ng mga Democrats ang kontrol sa House of Representatives at Senado na kasalukuyang pinamumunuan ng Republican Party.

Samantala, inaasahan namang magkakaroon ng mas malinaw na resulta ang halalan sa loob ng tatlong oras.