Isang supertanker na may kargang mahigit 2 milyong bariles ng krudo ang nasunog matapos umanong tumama sa isang naval mine habang tinatawid ang Strait of Hormuz, ayon sa pahayag ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) ng Iran.
Ayon sa IRGC Navy, tinangka umano ng barko na dumaan sa isang ipinagbabawal na ruta habang nakapatay ang mga navigation at radar system nito. Inangkin din ng mga awtoridad ng Iran na sinubukan ng tanker na samantalahin ang suporta ng militar ng Estados Unidos upang makatawid sa naturang daluyan.
Sa ngayon, wala pang kumpirmadong impormasyon tungkol sa kalagayan ng mga tripulante, lawak ng pinsala sa supertanker, o posibleng pagtagas ng krudo sa dagat.
--Ads--










