Yumao na sa edad na 90 ang American scientist sa likod ng computer system ng Apollo lunar program ng NASA na si Margaret Hamilton.

Ayon sa pahayag ng Massachusetts Institute of Technology o MIT kung saan nagturo si Hamilton mula 1959 hanggang kalagitnaan ng 1970s, pumanaw ang nasabing scientist nitong Setyembre 30.

Kilala si Hamilton bilang kauna-unahang programmer, maging ang kauna-unahang babaeng programmer na naging bahagi ng Apollo program — ang makasaysayang misyon na nakapagpaapak ng unang tao sa buwan.

--Ads--

Ayon kay Oliver de Weck, propesor ng Apollo Program at interim head ng MIT Department of Aeronautics and Astronautics, hindi sapat na tawagin lamang na “pioneer” o “nangunguna sa kaniyang henerasyon” si Hamilton.

Bilang software engineer noong unang itinatatag ang programa, ang kaniyang kontribusyon sa modern coding at sa pangunguna ng kaniyang pangkat sa program ang bumuo ng isa sa mga pinakakumplikadong sistemang nai-develop sa kasaysayan.

Nagbigay-pugay rin si NASA chief Jared Isaacman sa X (dating Twitter) upang kilalanin ang mga ambag ng computer scientist.

Noong 2016, Ginawaran si Hamilton ng Presidential Medal of Freedom ni dating US President Barack Obama para sa kaniyang mga kontribusyon. | Via Bombo Angeline Domingo