Inanunsiyo ni U.S. Secretary of State Marco Rubio na knailang papatawan ng sanction ang International Criminal Court (ICC).

Sinabi pa ni Rubio na hindi papayagan ni US President Donald Trump na litisin ang Americans ng pekeng korte.

Nais nilang pagbawalan ang kanilang transactions at putulin ang mga resources at ang kanlang abilidad na mag-operate.

--Ads--

Dagdag pa nito na ang sanctions ay isinagawa para mabigyan ang korte at mga member states ng pagkakataon para tugunan ang hinainng ng US.

Una ng kinondina ng US ang paglalabas ng ICC ng warrant of arrest laban kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at ilang mga opisyal nito ganun ang ginawang pag-imbestiga ng ICC sa hakbang ng mga sundalo ng US sa Afghanistan.

Mayroon ng mahigit 70 katao kabilang ang mga world leaders at pangunahing personalidad ang idiniin ng ICC dahil sa paglabag sa karapatang pantao.

Nauna ng pinatawan ng US ang 17 mga judges at opisyal ng ICC noong Agosto.  | Via Bombo Jovino Galang