Dagupan City – Ipinamahagi ng Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO, katuwang ang Municipal Treasury Office, ang social pension para sa mga senior citizen na benepisyaryo sa Sta. Barbara, Pangasinan.
Isinagawa ang payout sa Satellite Evacuation Center sa Barangay Maningding, kung saan personal na natanggap ng mga kwalipikadong senior citizen ang kanilang ayuda mula sa programa.
Layunin ng social pension na makapagbigay ng karagdagang tulong pinansyal sa mga nakatatandang benepisyaryo upang makatulong sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.
Bahagi ito ng patuloy na pagpapatupad ng mga programang panlipunan ng lokal na pamahalaan para sa kapakanan at suporta sa mga senior citizen sa komunidad.










