Nangako si Taiwan President Lai Ching-te sa kaniyang talumpati sa National Day na pahahalagahan ng isla ang kapayapaan at hindi kailanman isusuko ang kanilang kalayaan sa gitna ng patuloy na banta mula sa China.
Inihayag ni Lai sa harap ng libo-libong mamamayan at mga dayuhang panauhin na nakahanda silang makipag-ugnayan ngunit hindi nila tatanggapin ang pagiging subordinate sa Beijing, habang layunin ng kaniyang pamahalaan na taasan ang pondong pangkatiwasayan upang pigilan ang banta ng digmaan.
Aabot sa rekord na 1.1 trilyong New Taiwan dollars ($34.5 bilyon) ang inilaan ng Taiwan para sa depensa sa 2027, kasabay ng paghihintay ng pag-aapruba mula kay US President Donald Trump sa dagdag na $14 bilyong halaga ng mga kagamitang pangkatiwasayan tulad ng Patriot air defence system.
Pinaalalahanan din ng Pangulo ang mga kapwa demokratikong bansa sa Indo-Pacific na magkaisa, lalo’t patuloy ang military at grey-zone activities ng Tsina kung saan naitala pa ng Taiwan Defense Ministry ang 21 sasakyang pangkawawaw at pitong barko ng militar na gumagala malapit sa kanilang teritoryo.
Naging makulay ang pagdiriwang ng ika-115 anibersaryo ng 1911 Uprising sa Taipei kung saan nagpalipad ng mga fighter jets at helicopter na may dalang malaking watawat ng Republic of China, habang dumalo rin ang mga kinatawan mula sa Eswatini, Japan, at Estados Unidos.










