Nagtala na ng apat na katao ang nasawi matapos ang pananalasa ng bagyong Isaias sa US.

Dalawa ang nasawi sa Escambia County sa Florida at dalawa naman ang nasawi rin sa Alabama.

Pinayuhan ni Florida Gov. Ron DeSantis ang mga mamamayan nito na manatili ang mga ito sa loob ng kanilang kabahayan.

--Ads--

Humina na ang bagyo matapos na ito ay mag-landfall sa Destin, Florida at naging Category 2 hurricane na lamang.

Ilang libong residente rin ng Florida, northern Georgia at western North Carolina ang nawalan ng suplay pa ng kuryente.