Inaasahang magiging maganda ang harvest ng palay ngayong Oktubre at Nobyembre, ayon kay Engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG).

Ayon kay So, maituturing na maganda ang kasalukuyang ani at inaasahang maaabot nito ang volume ng produksiyon noong nakaraang taon.

Gayunman, hindi pa aniya gaanong nararamdaman sa kasalukuyan ang epekto ng matinding tagtuyot na dulot ng Super El Niño. Posible umanong maranasan ang epekto nito sa susunod na cropping season, mula Nobyembre hanggang Marso.

--Ads--

Dahil dito, pinayuhan ni So ang mga magsasakang hindi naaabot ng irigasyon na isaalang-alang ang pagtatanim ng mga high-value crops o mga pananim na may mataas na halaga sa merkado. Layunin nitong mabawasan ang posibleng epekto ng El Niño sa kanilang produksiyon at kabuhayan.

Samantala, iginiit din ni So ang kahalagahan ng maagang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga magsasaka upang makatulong sa kanilang paghahanda sa susunod na panahon ng pagtatanim.

Aniya, mahalagang maipamahagi ang subsidiya bago magsimula ang panibagong planting season upang magamit agad ito ng mga magsasaka sa kanilang mga pangangailangan sa pagsasaka.

Sa gitna ng banta ng El Niño, inaasahang makatutulong ang maagap na paghahanda at ang napapanahong suporta sa mga magsasaka upang mapanatili ang produksiyon