Isinama ni dating House Speaker Martin Romualdez ang recantation ng umano’y bagman na si Orly Gutez, kung saan binawi ang kaniyang alegasyon laban sa mambabatas na naghatid siya ng kickback.
Kinumpirma naman ni Atty. Felix Villa, isa sa mga abogado ni Romualdez, ang paghahain ng naturang affidavit hapon ngayong Huwebes, Agosto 20.
Nauna naman nang sinabi ng isa pang abogado ni Romualdez, na si Atty. Ade Fajardo na isinama nila sa supplemental counter-affidavit ang sinumpaang salaysay ng 25 dating drivers at security aides ng pugante at dating kongresista na si Elizaldy Co.
Nanindigan naman si Romualdez na wala siyang ginawang anumang labag sa batas at handa siyang patunayan ito matapos na ianunsiyo mismo ng kaniyang pinsan na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang ikalimang SONA na nakatakdang sampahan ng kaso ang kongresista.
Maaalalang ibinunyag noon ni Guteza sa pagdinig sa Senate Blue Ribbon Committee noong Setyembre 2025 na nagahatid siya ng male-maletang pera sa bahay ni Romualdez sa Taguig. Subalit kalaunan binawi niya ang kaniyang alegasyon at sinabing prinessure siya nina dating Cong. Mike Defensor at Senador Rodante Marcoleta para gawin ito.
Samantala, sinabi naman ng Office of the Ombudsman na ipagpapatuloy ang imbestigasyon kay Romualdez sa kabila pa ng pagbawi ng mga testimoniya.










