Kasunod ng dalawang linggong sunod-sunod na big-time oil price hike kung saan umabot ng sampu hanggang bente pesos kada litro ang itinaas ng diesel at gasolina, muling nanawagan si Senador Bong Go sa ehekutibo para sa agarang tugon at tulong sa mga Pilipinong lubos na apektado.

Sa kanyang pahayag, sinabi ng senador na ramdam pa rin ng mga mamamayan ang hirap na dulot ng mataas na presyo ng petrolyo, kasabay ng pagtaas ng bilihin, bayarin sa kuryente, at mababang palitan ng piso kontra dolyar.

Dagdag pa niya, nakikiisa siya sa panalangin na muling maging normal ang pamumuhay ng bawat Pilipino. Nagsimula na ngayong linggo ang ikalawang regular session ng Kongreso kung saan kasama ang mga kapwa mambabatas, tututukan ni Go ang mga programa at panukalang batas na layong magbigay ginhawa sa mamamayan.

--Ads--

Binigyang-diin ng senador na sa panahon ng krisis, mahalagang tiyakin na may sapat na suporta at proteksyon ang mga Pilipino laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing pangangailangan.| via Bombo Dennis Jamito