Hindi dadalo si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Inihayag ni Cayetano, na nakasuot ng kulay itim na barong, na ang kaniyang hindi pagdalo ay bilang simpleng paraan niya ng protesta laban sa kaniyang tinawag na “gumuguhong demokrasya” sa bansa.
Hindi man pisikal na pupunta sa Batasang Pambansa, magmo-monitor na lamang ang senador sa mga kaganapan.
Gayundin, hinimok niya ang publiko, maging pro-Marcos o anti-Marcos, na makinig at panoorin ang ulat ng Pangulo dahil ito ay tungkol sa kalagayan ng buong nasyon.
Nakatakdang magsalita rin si Cayetano para sa kaniyang sariling “kontra-SONA” sa Martes, July 28.
Layon nitong maglatag ng alternatibong agenda at talakayin ang mga kritikal na isyung pang-ekonomiya at wastong paggamit ng pondo ng pamahalaan.










