Inihayag ng National Historical Commission of the Philippines na posibleng maikunsidera ang pagtatayo ng monumento o ‘historical marker’ sa West Philippine Sea.
Sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Eufemio Agbayani III, Historic Sites Development Officer ng komisyon, kanyang ibinahagi na hindi nila isinasantabi ang ganitong uri ng plano kasabay sa pagdiriwang ng bansa sa pagkapanalo nito sa Arbitral Tribunal.
Bukas, ika-12 ng Hulyo, ipagdiriwang ng bansa ang tagumpay nito nang igawad sa Pilipinas ang Arbitral Award noong 2016 ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS kung saan kinilala ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.
Gayunpaman, aminado si Eufemio Agbayani III na hilaw pa ang sampung taon para magtayo ng monumento ngunit kung hilingin ng mga nasa Kalayaan Island Group, kanila naman daw itong ikukunsidera.
Habang kaugnay pa sa usapin teritoryo ng bansa, aminado ang naturang komisyon na kanilang ikinabahala ang lumutang na panibagong naratibo ng Tsina.
Sinasabi kasi ng ilang iskolar ng dayuhan bansa na ang Batanes, ay pagmamay-ari umano ng Tsina, bilang sakop umano ng Taiwan.
Dahil dito’y, binigyang diin ni Agabayani III na ang naturang lugar ay bahagi sa kinikilalang teritoryo ng bansa at iginiit na walang naitala sa kasaysayan nagkaroon ng presensya ang Tsina sa Batanes.
Dagdag niya’y hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa ng Tsina ang pang-aangkin sa teritoryo ng Pilipinas.
Kaya nama’y ibinahagi ni Agbayani III ang isa sa mga patunay nagsasabing pagmamamay-ari ng Pilipinas ang probinsya ng Batanes.










