Nagkaroon ng katamtamang pagsabog ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island Region ngayong umaga.
Ayon sa ulat ng PHIVOLCS, nagtala ng abo at usok mula sa bunganga ng bulkan bago tuluyang natapos ang pagputok bandang alas-7:36 ng umaga.
Ang Kanlaon ay isa sa mga pinakaaktibong bulkan sa bansa at matatagpuan sa hangganan ng Negros Occidental at Negros Oriental.
Noong mga nakaraang taon, ilang beses na rin itong nagpakita ng aktibidad, kabilang ang mga phreatic eruption na nagdulot ng abo at panganib sa mga kalapit na komunidad.
Sa kasalukuyan, patuloy na binabantayan ng mga awtoridad ang bulkan upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan at ng PHIVOLCS hinggil sa posibleng epekto ng naturang pagsabog. | via Bombo Dennis Jamito










