Binati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Alex Eala matapos nitong makapasok sa ikatlong round ng Wimbledon, na aniya’y patunay na isa na itong world-class na atleta at inspirasyon sa kabataang Pilipino.
“Congratulations, Alex. Keep it up. We’ll all be here. The whole Filipino nation is cheering you on. At a we know that you are fighting for making proud and bringing luster and honor to the Philippines. Keep going, keep going, keep going. We are behind you,” mensahe ni Pangulong Marcos.
Ayon sa Punong Ehekutibo, marami pang maipapakita si Eala sa mundo ng tennis at ipinagmalaki niyang patuloy itong nagbibigay ng karangalan sa bansa.
“If you remember when she first started winning, sabi ko nag-umpisa pa lang. She’s just getting started. Well, you can see, turns out I was right. She’s just getting started. Marami pang ibubuga yung bata natin. Really, it’s good news,” wika ng Pangulong Marcos.
Hinikayat din ni Marcos ang publiko na ipagpatuloy ang pagsuporta kay Eala, kasabay ng mensaheng buong sambayanang Pilipino ang nakaalalay sa kanyang laban para sa Pilipinas.
“She really is becoming a true inspiration especially for younger people, younger Filipinos. Biruin mo mayroon na tayong player, babae pa na nanalo sa third round in Wimbledon. It does not get…Tennis does not operate at a higher level than Wimbledon so she’s really world-class.She’s terrific,” wika ng Pangulo.
Dagdag pa ng Presidente,”I caught the last set kaninang umaga. And it was…It was a great result. “










