DAGUPAN CITY- Nakasaad sa konstitusyon ng Pilpinas ang pagbibigay immunity kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa bilang miyembro ng kongreso.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Francis Dominick Abril, Legal/Political Consultant, subalit, limitado lamang ang proteksyon na matatanggap nito at kinakailangan na 6 taon pababa ang kasong kinakaharap nito.

Ang kinakaharap na kaso ni Sen. Dela Rosa sa ICC ay higit pa sa 6 taon

--Ads--

Mas maigi aniya na kusa na lamang sumuko si Dela Rosa.

Isa naman magandang estratehiya ang pagmosyon ng kampo ng senador ang temporary restraining order at injunction upang hindi agarang maisilbi ang warrant of arrest.

Subalit ang kasalukuyang sitwasyon ng senado ngayon -ang pagbibigay ng proteksyon sa senador- ay magpapahirap sa kanilang gampanin.

Maliban sa bantay sarado ang senado, ginagamit din ni Dela Rosa ang resources nito.

Kinakatakot naman ni Abril ang pagbibigay ng protective custody sa senador kahit pa man may warrant arrest na ito mula sa ICC.

Malinaw ang ruling ng Supreme Court na may obligasyon pa rin ang Pilipinas sa ICC kahit pa man tumiwalag na ito sa Roman Statute.