Nakiisa ang lokal na pamahalaan ng Mapandan sa pagsasagawa ng Fourth Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill o NSED, sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Layunin ng pagsasanay na mapalakas ang kahandaan ng mga kawani at mamamayan sa posibleng paglindol, gayundin ang tamang pagkilos at pagtugon upang maiwasan ang pagkasugat at mailigtas ang buhay sa oras ng sakuna.
Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni MDRRMO head Maian Jen Arguelles, sa suporta ni Mayor Karl Christian F. Vega.
--Ads--
Sa pamamagitan ng regular na earthquake drill, naisasagawa at napag-aaralan ng mga kalahok ang mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng lindol.










