Dagupan City – Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Aguilar ang nakatakdang pay-out para sa mga rehistrado at may permit na miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association sa bayan.

Gaganapin ang payout sa Mayo 13, 2026 sa Aguilar Multi-Purpose o Evacuation Center, simula alas-8:00 ng umaga.

Layunin ng aktibidad na maipamahagi ang benepisyo sa mga kwalipikadong miyembro ng TODA sa maayos at organisadong paraan.

--Ads--

Ayon sa abiso, kinakailangang magdala ang mga benepisyaryo ng photocopy ng kanilang driver’s license bilang tanging tatanggapin na valid ID. Hindi papayagan ang mga expired na ID at iba pang uri ng pagkakakilanlan.

Ipinabatid din na personal na dapat kunin ng nakarehistrong miyembro ang kanilang payout. Hindi papahintulutan ang pag-claim sa pamamagitan ng kinatawan o ibang tao upang matiyak ang tamang distribusyon ng ayuda.

Pinapayuhan ang lahat ng benepisyaryo na dumating nang maaga upang maiwasan ang abala at masiguro ang maayos na daloy ng payout.