Patuloy ang pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.
Nakikita ang pagdaloy ng lava sa Basud, Bonga, at Mi-isi gullies, kasabay ng paminsan-minsang strombolian activity at panandaliang lava fountaining.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang 159 volcanic earthquakes, 344 rockfalls, at 12 pyroclastic density current signals, na nagpapakita ng mataas na antas ng seismic activity sa bulkan.
Tinatayang 2,558 tonelada ng sulfur dioxide (SO₂) ang ibinubuga mula sa bunganga ng bulkan.
Ang usok ay umaabot hanggang 500 metro ang taas at kumakalat sa timog-kanlurang bahagi.
Patuloy din ang pamamaga ng bulkan (ground deformation), na maaaring magpahiwatig ng karagdagang aktibidad.
Pinapayuhan ng PHIVOLCS ang mga residente na manatili sa ligtas na distansya at mahigpit na sumunod sa mga babala upang maiwasan ang panganib.










